Thursday, September 6, 2007

panahon


Nakatayo sa dalampasigan
Nakatanaw sa kawalan
Hinahalikan ng pagkakataon
Niyayakap ng panahon

Umaagos ang panahon
Dumadaloy ang kahapon
Tuloy-tuloy hanggang ngayon
Tuloy-tuloy
Hanggang ang bawat ngayon
ay maging kahapon

Sabi mo, nagkataon lang
Sabi mo, panapanahon lang
yan kaibigan

Panahon ng pag-iisa
Nang pagkakataong nawala
Nang buhay na dumaloy sa iba

Nakaukit na sa isipan
Baka walang katuturan
Dinadaanan ng panahon
Iniwan ng pagkakataon

Nakatayo sa dalampasigan
Nakatanaw sa kawalan


[skye] I wrote this during one of the saddest times in my life – when I was seriously thinking about wasted chances; when I was deliberating if I had made wrong decisions that I’ll eventually regret.

No comments: